top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Vote-buying lalong lumala - Comelec

Madel Moratillo
May 13, 2019
1 min read

AMINADO si Com­mission on Elections (Co­melec) Commissioner Ro­wena Guanzon na mas malala ang mga kaso ng vote-buying ngayong May 13, 2019 Midterm Elections, kumpara noong 2016 Midterm polls.

Ayon kay Guanzon, nakatanggap din sila ng ulat na mas mataas din ang presyo ng vote-buying ngayon na mula sa dating P1,000 ay naging P1,500 na.

“Mas mukhang malala ngayon kaysa 2016. ‘Di ko lang alam kung ito dahil marami lang nahuli, pero sa reports talagang mas marami ngayon,” pahayag ni Guanzon sa panayam sa radyo.

Nagtataka naman si Guanzon kung saan nangga­galing ang mga perang ipinambibili ng boto ng mga kandidato. Mas marami rin aniyang insidente ng vote-buying sa local candidates at wala na­mang ulat na may senatorial candidates na namimili ng boto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page