top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Unkabogable Star, shocked! MANOY NI VICE, NATAMAAN NG LALAKING NAGPAPA-SELFIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

‘KALOKA ang viral video ngayon ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kung saan mapapanood na habang naglalakad at pinalilibutan ng kanyang mga bodyguards-escorts ay may isang ‘kuya’ na nagse-selfie ang nakatama sa private part ng comedian.

Matapos ang insidente, halatang gulat na gulat si Vice, kung saan napahawak pa siya sa kanyang private part at tinak­pan, pero tila dedma lang ang ‘kuya’ na nasagi na niya ang komedyante.

Samantala, marami ang natuwa at maraming netizens din ang naawa kay Vice Ganda.

Narito ang ilang komento nila…

“Grabe naman! Sana, nagpa-picture na lang, ‘di naman sinasadya.”

“Saktung-sakto ‘yun. Hahahahaha! Grabe ‘yun kamay ni kuya, eh!”

“I feel bad pero ‘yung reaction ni Vice ang nagdala. Talagang kita mo ‘yung gulat sa mukha niya. HAHAHAHA.”

“Naawa ako kay meme... Nabigla siya talaga, eh...”

“‘Yun iba dito, tawa lang nang tawa, ‘di man lang kayo maawa kay Meme Vice.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page