Sangkot sa kidnapping | 5 CHINESE, ARESTADO

HULI ang limang Chinese nationals na umano’y miyembro ng Kidnap-for-Ransom Group sa Las Piñas City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga suspek na sina Shen Li Wei, 29; Ruan Hu Bin, 29; Chen Sing, 29; Weng Peng Chao, 29, at Li Hui Sie.
Ang mga biktima ay sina Zhou Yang, Sengxiao Ling at Ou Shen.
Ayon sa ulat ni Las Piñas City Police Col. Simnar Gran, nagsagawa ng entrapment operation ang kanyang mga tauhan na ikinaaresto ng mga suspek sa Circuit Plaza, Ayala, Makati City, ala-1:30 ng madaling-araw.
Sa pahayag ni Zhen, naglalakad siya kasama sina Yang at Ling sa Verdant Ave., Bgy. Pamplona 3 sa Las Piñas alas-11:45 ng gabi nitong Mayo 10, nang dumating at hinintuan sila ng Toyota van (AIA 2234) sakay ang 10 suspek at biglang kinuyog bago sapilitang isinakay sa sasakyan.
Nakatakas naman si Shen at iniulat ang insidente sa kanyang boss na hindi binanggit ang pangalan at dali-daling nagtungo sa pulisya dahilan upang magkasa ng entrapment operation sa pangunguna nina Maj. Alabastro at Maj. Gomez.
Napag-alaman na nag-demand umano ang mga suspek ng P200,000 subalit, nakapaglabas lamang sila ng P150,000 bilang ransom money at nagkasundo sa transaksiyon sa Circuit Plaza, kahapon ng madaling-araw.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang ransom money sa tabi ng naturang van, agad hinuli ang limang suspek na nauwi sa komosyon at nailigtas ang dalawang Chinese na sina Yang at Ling.
Habang natukoy naman ang limang iba pang suspek na nanunuluyan sa Rivergreen Center, Pedro Gil, Sta. Ana, Manila dahilan upang mahuli si Lao Xie na pinaniniwalaang nagbigay kay Alberto sa iba pang suspek habang dinampot din ang driver ng van na sina Marvin Villas y Pelayo, 38, at Lolito Angeles y Garcia, 40, kapwa Pinoy upang alamin ang kanilang partisipasyon sa kaso.





Comments