top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pati eleksiyon, may kakaibang misteryo, hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2019
1 min read

HALALAN na.

Ingat sa pagbili ng boto!

◘◘◘

REKONSILYASYON ang mensahe ni Gov. Imee sa Mother’s Day kahapon.

Nagtenkyu siya sa pagkakasama sa tiket ng PDP-Laban.

Binuo ang PDP-Laban ng kritiko ni ex-P-Marcos na si dating Senate President Nene Pimentel!

◘◘◘

SI Sen. Nene ang ama ni Sen. Koko Pimentel na katiket mismo ni Gov. Imee.

Isang misteryo ang naganap, ayon mismo sa anak ni ex-P-Marcos! ◘◘◘

WALANG imposible sa politika at ang pagsasama ng dalawa sa iisang tiket ay pagpapatunay na “may kakaibang misteryo” sa eleksiyon.

Isa rin itong paniwalaan-dili na nagkatotoo!

◘◘◘

Kinumbida si Imee sa mismong miting de avance ng PDP-Laban sa Pasig City noong Sabado.

Mahalaga ang papel na ginampanan ni P-Digong upang magkaroon ng rekonsilyas­yon dahil siya ang nagbendisyon kay Imee na makasama rin sa Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara!

◘◘◘

NOONG isang araw, binigyan-diin ni P-Digong na tanging si ex-P-Marcos lamang ang maituturing niyang pangulo ng bansa na nakagawa ng mga “landmark” program at project na nagmarka sa kasaysayan.

Inisa-isa ni P-Digong ang mga pam­bihirang proyekto na naging modelo sa imprastruktura, partikular ang LRT-1 na umabot na sa LRT-7 at hindi malayong hanggang LRT-10!

◘◘◘

Sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Survey, nakatitiyak na si Gov. Imee na mapapasama siya sa “Magic 12” dahil nasa kalahatian na siya ng 12-slot Senate.

Sa simula ng survey bago magkampanyahan, nasa ika-12 puwesto siya, pero ngayon ay nasa pagitan siya ng no. 6-8 spot.

Kung may mawawala sa “Magic 12”, hindi ito si Madame Imee!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page