Panawagan ng Simbahan | GWAPO AT MAGANDANG KANDIDATO, KILATISING MABUTI
- BULGAR

- May 13, 2019
- 1 min read

SA bisperas ng halalan, binasa sa misa ni Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi ang pastoral letter na ginawa ng mga Obispo sa Bicol.
Laman ng pastoral letter ang mga panawagan ng Simbahan para sa halalan ngayong araw.
Hiling nila na kilalanin ng mga botante ang mga kandidato para makapili ng mga totoong magbibigay ng serbisyo para sa lahat. Sana raw ay hindi magpasilaw sa sikat na pangalan, tulad ng mga napapanood sa mga teleserye o dahil gwapo at maganda.
“Piliin ang mga may nararapat na kakayahan na tugma sa posisyon na kanilang tinatakbuhan, hindi dahil sikat at may kilalang pangalan, hindi dahil maganda at gwapo pero, wala namang sapat na kaalaman.”
Nanawagan din ang Simbahan sa mga botante na huwag ipagbibili ang kanilang boto. (BRT)





Comments