top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mayor, tinuluyan sa carnapping, robbery

Jeff Tumbado
May 13, 2019
1 min read

INIREKLAMO ng isang pulis si Cebu City Mayor Tomas Osmeña dahil umano sa pagtangay sa kanyang motor­siklo at pagnanakaw pa sa kanyang mamahaling relo.

Sa inihaing complaint sa Cebu City Police Office ni Patrol­man Romil Gelogo, nangyari umano ang insidente pasado ala-1:35 ng madaling-araw ng Linggo sa tapat mismo ng CCPO.

Ayon kay Gelogo, nilapitan umano siya ni Osmeña at kinompronta dahil nakatsinelas lamang ito at naka-shorts at sando habang pasakay sa kanyang motorsiklo.

Sa puntong iyon, batay pa sa pahayag ng pulis sa kanyang complaint affidavit ay agad kinumpiska ng alkalde ang kanyang motor at relo na nagkakahalaga umano ng P150,000 na nakatago sa tool box ng motorsiklo.

Paliwanag naman ni Osmeña, kanyang pansamantalang pina-impound ang motor ng pulis sa City Traffic Operations Management matapos malaman na kulang sa side mirrors at registration sticker ang ginagamit na sasakyan.

Tumanggi umano si Gelogo na magpakita ng anumang dokumento para sa kanyang sasakyan nang hanapan niya ito. Nagtungo umano si Osmeña sa CCPO para makita ang kanyang dalawang SK councilors mula sa Bgy. Cogon Ramos na unang dinakip dahil sa kasong vote-buying.

Sinabi pa ni Osmeña na hindi siya pinayagang makapasok sa compound ng CCPO kaya naghintay na lamang siya sa labas at dito natiyempuhan si Gelogo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page