Mag-utol na 11 at 13 nalunod, dedbol
- Levi Gonzales
- May 13, 2019
- 1 min read

HINDI na naisalba pa ang buhay ng magkapatid matapos malunod sa ilog sa Bgy. Sumilang, Calauag, Quezon.
Pasado alas-11:00 ng umaga nang magtungo sa ilog ang mga biktimang sina Angel Mae Capiral, 13, at Neserie Capiral, 11.
Ilang saglit ang lumipas nang mapansin ng ina nila ang paglubog ng dalawa kung saan hindi nito nakayanang masagip ang mga biktima.
Humingi ito ng tulong sa mga rescuer sa lugar.
Dali-dali namang dinala ang dalawa sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.





Comments