Lending collector tinodas
ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang lending collector ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa bayan ng Alicia sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Philip Pontijon, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na naniningil ng pautang si Pontijon sa nasabing lugar nang holdapin ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo, pero nanlaban ang bikima kaya pinagbabaril siya ng dalawang salarin.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments