top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kandidatong namimili ng boto, huwag iboto para magtanda

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2019
  • 2 min read

KALIWA’T KANANG BILIHAN NG BOTO, NAGANAP NA!—Na­ganap daw kahapon hang­gang kagabi ang kaliwa’t kanang pa­mimili ng boto ng mga alagad ng mga kandidato sa mga ‘bayarang bo­tante’ para sa gagana­ping eleksiyon sa araw na ito.

Kaya sa mga ‘ba­yarang botante’, huwag kayong aangal-angal o iiyak-iayak kapag hindi kayo natulungan ng ibinoto ninyong kandi­dato ay nasa puwesto na.

Kasi bayad na kayo, ibig sabihin, ang boto ninyo ay binayaran na kaya wala na kayong aasahang tulong sa nanalong kandidato, period!

◘◘◘

KUNG PATAS ANG LABANAN SA ELEK­SIYON, WALANG PA­NALO ANG MGA NAMI­MILI NG BOTO — Sa mga nanalong kandidato sa pamam­a­gitan ng pamimili ng boto, alam nila sa kanilang sarili na kaya lang sila nanalo ay dahil may pera silang pambili ng boto.

Pero kung lumaban sila ng patas, walang bilihan ng boto, alam nila sa kanilang sarili na hindi sila mananalo dahil kaya lang naman sila ibinoto ay dahil sa perang ipinambibili nila ng boto, mga buwisit!

◘◘◘

TANGGAPIN ANG PERA, IBOTO ANG KURSUNA­DA—Election day na at ang mga botanteng hindi pa nakaboboto ay maaaring may bumili pa ng kanilang mga boto bago magtungo sa lugar na kanilang pagbobo­tohan.

Panawagan natin sa kanila, kapag may bumili ng kanilang boto at hindi naman nila kursunada ang kandi­datong namimili ng boto ay tanggapin nila ang pera, pero ang kursunada pa rin ang iboto.

Para kapag natalo ang kandidatong nami­mili ng boto, magt­atanda na ‘yan at next election ay hindi na siya kakandidato, period!

◘◘◘

ANG KANDIDA­TONG NAMILI NG BOTO, PAGNA­NA­KAW AATUPAGIN SA KA­BAN NG BAYAN—Dapat tandaan ng mamamayan na ang kandidatong namimili ng boto ay walang gagawing matino sa bayan at hindi magseserbisyo ng tapat sa mamamayan.

Kasi ang aatupagin nito ay magnakaw sa kaban ng bayan para mabawi ang nagastos niya sa pamimili ng boto, siyempre, may tubo pa at next election, may pambili na naman siya ng boto, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page