top of page
Pokwang.jpg

FAJARDO, ITINABLA SA 3-3 PA-DO-OR-DIE GAME NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2019
2 min read

NASAGAD sa do-or-die Game 7 ang bakbakan sa PBA Philippine Cup Finals matapos lagukin ng defending champion San Miguel Beer ang 98-86 panalo laban sa Magnolia Hotshots sa Game 6 ng kanilang best-of-seven match sa Araneta Coliseum kagabi.

Kumayod si five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo ng 23 points at 18 rebounds upang tulungan ang Beermen na ilista ang 3-3 serye.

Ipinaramdam ng Beermen ang kanilang lakas sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 14-point lead, 50-36 sa halftime.

Subalit bahagyang humabol ang Hotshots sa third period, ibinaba nila sa anim na puntos ang abante ng San Miguel Beer, 62-68 papasok ng fourth.

Samantala, maghahain ng demanda ang Philippine Basketball Association laban sa taong nagsuot ng Spiderman costume at pumasok sa loob ng playing court ng Araneta Coliseum noong Biyernes ng gabi.

Nagulantang ang mga fans nang biglang pumasok sa court ang nakilalang si Paolo Felizarta na nakatira sa Imus, Cavite sa kainitan ng Game 5 ng Philippine Cup finals sa pagitan ng Magnolia at defending champion San Miguel Beer.

Naagaw ng Beermen ang bola at papunta na sila sa kanilang court nang mabangga ni Fajardo si Spiderman, kaya tinigil pansamantala ang laro may 3:26 minuto pa sa bakbakan kung saan lamang ng anim na puntos ang Magnolia.

Kinonsulta ni Commissioner Willie Marcial ang kanilang PBA legal counsel na si Atty. Melvin Mendoza at posibleng mapatawan ng parusa ang 31-year-old Felizarta na ngayon ay nakakulong sa QCPD Station 7.

Idedemanda sa salang public alarm and scandal at unjust vixation ang ’Spider-Man’ streaker.

Itinuloy ang laban makalipas ang ilang minutong pagka-antala, nanaig ang Hotshots sa Beermen, 88-86 kaya abante na sila ng 3-2 sa serye. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page