Comelec employee, huli sa aktong nagsa-shabu

KALABOSO ang tatlo katao kabilang ang isang empleyado ng Commission on Election (Comelec) matapos maaktuhang bumabatak ng shabu sa loob ng bahay sa Intramuros, Manila.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Sec. 11 of RA 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Manila City Prosecutor na sina Rubelyn Raul Pronto, 37, taga-Cavite; Rogelio Raneses, Jr., 48, administrative aide 1 ng Comelec, taga- Cavite at Erick Alfonso, 55, ng Intramuros, Manila.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Edward Dolleton, ala-1:50 ng hapon nang maaresto ang tatlo sa Sta. Potential St., Intramuros.
Nauna rito, nakatangap ng tawag ang Intramuros-PCP mula sa isang impormante at sinasabing nagpa-pot session ang mga suspek sa lugar. Pinuntahan ang naturang lugar at dito na naaktuhan ang tatlo na nagsa-shabu.





Comments