top of page

Babala sa mga may malalakas na regla!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 13, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 24 years old at nagtatrabaho bilang marketing assistant sa Cubao. Lately, madalas akong mahilo, ‘yung tipong nalulula ako kahit wala naman ako sa mataas na lugar. Hindi naman ako buntis dahil almost 1 year na akong walang boyfriend. Naisip ko na baka anemic ako o low blood. Ano ba ang dahilan ng pagiging anemic ng tao? Kasama ba rito ang madalas na pagpupuyat at malakas na regla? — Ivana

Sagot

Hindi pareho ang dalawa. Kapag sinabing low blood o high blood, ang sinusukat ay ang presyon ng dugo o ‘blood pressure’. Ito ay hindi katumbas ng pagkakaroon ng anemia, bagamat, maraming tao ang nalilito at napaghahalo ang mga kondisyon na ito.

Ang anemia ay kondisyon kung saan kulang ang red blood cell (RBC) o hemoglobin ng tao. Ang ‘hemoglobin’ ay protina sa dugo na responsable sa pango­ngolekta at pag­hahatid ng oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan, ang mga red blood cell naman ang mga cell sa dugo na may taglay na hemoglobin. Kung may kakulangan sa RBC o sa hemoglobin, posibleng hindi sapat ang oxygen na makuha ng katawan at ito ay puwedeng magdulot ng pagiging matamlay, paki­ram­dam na pagod at iba pang sintomas at kumplikasyon.

Ano ang sanhi ng anemia?

Maraming dahilan kung bakit maaaring maging anemic o magkaroon ng anemia ang tao. Ang mga sanhing ito ay maaaring igrupo sa tatlong kategorya: (1) Ang pag­kawala o kabawasan ng dugo (blood loss); (2) Ang pagkakaroon ng diperensiya sa pagbubuo ng blood cells sa katawan at (3) Ang pagkasira ng red blood cells.

Anemia dahil sa pagkawala ng dugo o blood loss

Kasama rito ang mga kondisyon tulad ng ulcer na nakababawas ng dugo sa katawan. Kung sobra ang dugong nawala sa pagreregla o panganganak, ito ay maaari ring maging sanhi ng anemia.

Anemia dahil sa diperensiya sa pagbuo ng red blood cells:

Sa grupong ito, maaari nating isama ang anemia na dahil sa kakulangan ng iron o iron-deficiency anemia. Ang iron kasi ay isang element na isang mahalagang sangkap para makabuo ng mga hemoglobin. Kaya kung kulang nito ang katawan, maaaring hindi sapat ang mabuong dugo. Isa pang karaniwang uri ng anemia na nasa ilalim ng pangkat na ito ay ang sickle cell anemia kung saan iba ang hugis ng mga red blood cell kaya hindi ito gumagana nang tama; imbes na bilog, korteng ‘sickle’ o palayok ang mga cell. Ang iba’t ibang kondisyong ito ay maaaring namamana (genetic); dahil sa ibang sakit (tulad ng ulcer o problema sa pagregla); impeksiyon at iba pa. Mayroon ding mga anemia na dahil sa kakulangan ng nutrisyon ang dahilan tulad ng iron-deficiency anemia kung saan kulang sa iron ang katawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page