top of page
Pokwang.jpg

Ayon sa mga eksperto… MGA NATATRAPIK, MADALING MAMATAY

Jersey Sanchez
May 13, 2019
1 min read

ALAM natin na ang anu­mang uri ng polusyon ay may­roong masamang epekto sa ating kalusugan. Gayun­man, alam ba ninyo na ang pananatili sa maingay na paligid na mayroong maingay na kalsada ay naka­pagpapataas ng tsansa sa pagkakaroon ng stroke?

Ayon sa pag-aaral, mula sa London School of Hygiene and Tropical Medicine, ang ingay mula sa traffic ay may kaugnayan sa mataas na bilang ng pagkamatay at mataas na tsansa na ma-stroke ang indibidwal.

Sa pag-aaral na pinangunahan ni Dr. Jaana Halonen, inobserbahan nila ang 8.6 million Londoners sa loob ng 7 taon at ang antas ng traffic sa iba’t ibang postcodes ay ikinumpara sa bilang ng mga namamatay at hospital admission sa bawat area.

Nakita ng mga researcher na ang pagtaas ng bilang ng mga namatay at kaso ng stroke ay sa mga lugar na mataas ang road traffic noise. Posible umanong mataas na blood pressure, sleep problems at stress na dulot ng ingay ang dahilan nito.

Ayon sa mga researcher, ang transportation noise ang nakapagpapataas ng heart rate, atherosclerosis at arterial stiffness.Bukod pa rito, lumabas sa pag-aaral na 4% ng death toll ay karaniwang naitala sa mga nakatatanda na exposed sa daytime road traffic noise na sobra sa 60dB kumpara sa mga lugar na mas mababa sa 55dB.

Oh, ayan, mga besh, dehins lang pala sakit sa baga ang puwede nating makuha sa polusyon kundi stroke rin. Hindi man natin maiwasan ang exposure sa anumang uri ng polusyon, dobleng pag-iingat pa rin ang ating kailangan upang mabawasan ang pagka-exposed dito.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page