top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Away sa lupa, mister tinodas

Levi Gonzales
May 13, 2019
1 min read

ISANG tama ng saksak sa kaliwang tiyan ang ikinasawi ng mangi­ngisda sa kamay ng kanyang dating kaalitan sa Bgy. Alibihaban, San Andres, Quezon.

Base sa report, pasado alas-10:00 ng gabi, nakatambay at umiinom ng kape sa tapat ng bahay ng kanyang kapitbahay ang biktimang si Eddie Vidas, 49, nang biglang sumulpot ang suspek na si Jomar Codilla, may asawa, kapwa residente ng naturang lugar.

Agad siyang inatake ng saksak sa tiyan bago tumakas dala ang patalim nitong ginamit. Nadala pa ito sa pagamutan ngunit, binawian din ng buhay habang pilit pang isinasalba ang kanyang buhay.

May posibilidad na dati nang may alitan ang dalawa kaugnay sa pinag-aagawang lupa. Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng pulisya sa nakilalang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page