3 BIG RACES SA SLLP

NAKAHANDANG bitawan ang tatlong malalaking pakarera ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa darating na Mayo 26 para sa mga 3 year old mananakbo sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Ang unang bibitiwan ng PHILRACOM sa kanilang pakarera ng taon ay ang pag-alagwa ng 1St Leg Triple Crown, Hopeful at 3 Year Old Locally Bred Stake Races sa SLLP.
Ayon sa PHILRACOM sa Mayo 26, 2019 bibitiwan ang 1st Leg Triple Crown Stakes Race at Hopeful Stakes Race na aalagwa sa SLLP.
May nakalaang P3-M bilang guaranteed prized na hahatiin sa P1.8-M na mapupunta sa tatanghaling kampeon sa karera. Habang tatanggap ng halagang P675,000 ang tatanghaling pangalawa, P375,000 ang pangatlo at mag-uuwi ng P150,000 ang darating na pang-apat. Tatawid sa distansiyang 1,600 meter ang mga lalahok.
Samantala, naghihintay ang P6 milyon para sa tatanghaling kampeon sa Hopeful Stakes Race at tatanggap naman ang 2nd place ng P225,000, mapupunta ang P125,000 sa 3rdplace at mag-uuwi ng P50,000 ang 4th place.
Sinabi ng Philracom, na bibitawan sa araw na iyon ang 3 Year Old Locally Bred Stake Race.
Bukas sa lahat ng Locally bred 3 year old fillies & Colts at may nakalaang premyong P300.000 ang magiging kampeon sa nasabing karera, habang tatanggap ng P112,500 ang 2nd place, mapupunta ang P62,500 sa 3rd place at tatanggap ng P25,000 ang tatanghaling 4th place.





Comments