186 na dedma sa liquor ban, huli!

HULI ang 186 katao, ilang oras nang maging epektibo ang pagpapatupad ng liquor ban na nagsimula kahapon ng madaling-araw.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Gen. Guillermo Eleazar na nasa 67 operations ang isinagawa ng NCRPO sa iba’t ibang lugar sa Maynila na bahagi ng pagpapatupad ng nasabing kautusan.
Gayunman, ang may pinakamaraming lumabag sa liquor ban ay naitala sa Quezon City kung saan nasa 106 ang nahuli.
Samantala, sa area ng Manila Police District (MPD) nasa 25 habang sa Southern Police District (SPD) nasa 23, Northern Police District (NPD) 25 at Eastern Police District (EPD) 7.
Kaya ang panawagan natin sa lahat, alam nating mahirap pigilan ang pag-inom ng alak, lalo na kung ito ang inyong nakasanayang gawin araw-araw, pero dahil 2 days lang naman, pahinga-pahinga rin ‘pag may time at maawa kayo sa inyong mga atay. He-he-he!
Hindi naman ito ginawa para sa wala kundi para mapanatiling payapa ang halalan, gayundin, para maiwasan ang anumang kaguluhan.
Dagdag pa rito, ang paalala natin sa mga negosyante, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak, kaya tiis-tiis muna dahil bukas naman ay puwede na.
Vote-wisely, mga ka-BULGAR!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments