top of page

Sey ng experts… DALANDAN, KERING MAKAGALING NG RAYUMA AT GOUT!

  • Ronalyn
  • May 12, 2019
  • 2 min read

Ang dalandan o citrus aurantium ay prutas na matatagpuan sa mga tropical na bansa tulad ng Pilipinas. Ito ay may taglay na berdeng balat na hindi nagiging kulay orange kahit pa ito ay hinog na.

Dahil galing ito sa citrus family, mayaman ang dalandan na may sari-saring bitamina tulad ng Vitamin C at flavonoids na ikinokonsidera bilang anti-stress, antioxidant at immunoboosting vitamins. Pinoprotektahan nito ang katawan sa mga toxin at pinananatiling maayos ang immune system, gayundin, ito ay tumutulong upang mapabilis ang paggaling ng sugat.

Ayon sa mga mananaliksik, ang dalawang flavonoids (naringenin at hesperetin) na taglay ng prutas na ito ay maaaring gamitin bilang anti-inflammatory at anti-atherogenic. Tumutulong ito upang maging maayos ang glucose at metabolism sa katawan. Mayroon itong limonene na may taglay na gastroprotective properties, kaya safe ang ating sikmura sa pagkain nito.

Ang essential oil nito ay mayroong antimicrobial, anxiolytic at sedative properties.

But wait, there’s more! Ayon sa mga eksperto, ang pinakuluang dahon ng dalandan ay nakatu­tulong upang gamutin ang bronchitis habang ang pinigang fresh na balat nito ay nakatutulong upang gamutin ang pagduduwal at panghihina, puwede rin itong ikuskos sa mukha upang gamutin ang mga acne at sa mga kamay at paa na mayroong eczema. Ayon din sa pag-aaral, ang katas ng fresh na balat ng dalandan ay nakatu­tulong upang gamutin ang rheumatism at gout. Ang dalandan ay ginagamit din bilang antiseptic, antibacterial, antifungal, antiviral, appetite suppressant, astringent at anti-aging. Ito rin ay nakapag­papabuti ng daloy ng dugo sa katawan at atay, nakatutulong upang mapaganda ang buwanang daloy ng mga kababaihan, gamot sa ubo at maituturing na anti-cancer na prutas.

Dagdag pa rito, sinabi ni American College of Sports Medicine-certified Health and Fitness Specialist Dr. Wendy Bazilian, ang kababaihan ay dapat kumakain ng 25 grams of fiber, araw-araw upang mapababa ang cholesterol at maitama ang glucose level ng katawan at ang mga citrus fruit tulad ng dalandan ay makatutulong dito.

‘Yan mga, ‘tol, ano pa ang hinihintay ninyo? Kain na ng dalandan na mura, pero sandamakmak ang sustansiya, mapalalakas pa ang inyong katawan!

Amazing!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page