top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

RONDINA NG UST, SEASON ‘81 MVP

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2019
2 min read

ANG pambatong team captain ng University of Santo Tomas na si Sisi Rondina ang Most Valuable Player ng UAAP Season ’81 women’s volleyball tournament kasunod ng napakahusay na kampanya at siya mismo ang nanguna sa Golden Tigresses upang makasampa sa Finals.

Naangkin ni Rondina, ang graduating spiker ng UST ang top individual award ng torneo nang matapos na leading scorer ng liga (259 puntos), ang ikalawang most efficient spiker (33.38 percent), at ika-9 na best digger (3.98 digs per set) sa pagtatapos ng elimination round.

Pinangunahan ng high-leaping striker ng Cebu ang Tigresses para sa 10-4 win loss record at pinalakas pa ang tsansa tungo sa playoff kontra De La Salle University at masungkit ang second seed.

Nagawang ilaglag ng UST ang Lady Spikers sa Final 4 upang maabot ang Finals mula noong Season 73.

Hawak si Rondina sa balikat ng kanyang coach na si assistant coach Yani Fernandez habang sumisigaw ang manonood ng “M-V-P!” “They’re happy lang talaga,” may pagka-humble na sabi ni Rondina hinggil sa reaksiyon ng crowd.”I’m thankful na MVP ako sa kanila, sa mga mata nila.”

Kumulekta si Rondina ng 259 puntos, umaglagwa ng 231 kills, 15 blocks at 13 service aces. Siya ang unang UST player na nagwagi ng MVP honorees mula nang magawa ito ni Venus Bernal noong Season 69.

Ang kanyang teammate na si Eya Laure ang nakasungkit ng Rookie of the Year honor matapos malagay na second sa scoring race na may 230 puntos (196 kills, 19 blocks, 15 aces), habang siya rin ang most efficient spiker sa liga, 35.9%.

Naipatas na ni Laure ang achievement ng ate niyang si EJ na dating co-Rookie of the Year noong Season 78. Siya rin ang ikalawang straight UST player na nagwagi ng award matapos itong maigawad kay Fil-Italian Milena Alessandrini noong Season 80.

Ang outstanding players ay makatatanggap ng awards bago ang Game 2 ng UAAP Season 81 finals. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page