top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga guro, mag-aaral at magulang dapat joint forces sa Brigada Eskwela

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2019
1 min read

PAGKATAPOS ng halalan, Brigada Eskwela naman ang pagkakaabalahan ng Department of Education (DepEd).

Sa pamamagitan ng External Partnership Service (EPS), ipatutupad ang Brigada Eskwela o National Schools Maintenance Week mula ngayong Mayo 20 hanggang Mayo 25.

Ang Brigada Eskwela ngayong taon ay may temang “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan”.

Ang Brigada Eskwela ay higit pa sa paglilinis at pagsasaayos ng paaralan, ito rin ay pagtiyak sa kaligtasan ng mga estudyante habang sila ay nasa paaralan.

Sa nakalipas na 15 taon ng programa, patuloy na lumalawak ang Brigada Eskwela.

Noong 2018, nakalikom ng kabuuang P4.66 bilyong halaga ng resources.

Patuloy ding dumarami ang volunteers nito sa buong bansa kung saan mula sa 11 milyon noong 2017, dumoble at naging 22 milyon noong nakaraang taon.

Dahil ang paaralan ang itinuturing na ikalawang tahanan, dapat lang na siguraduhing malinis at ligtas ito para sa mga mag-aaral.

Bukod sa mga guro, magulang at volunteer, puwede ring lumahok ang mga mag-aaral sa programang ito.

Magandang pagsasanay ito para sa mga estudyante upang mapanatili ang kalinisan, hindi lamang sa kanikanilang bahay kundi maging sa kanilang ikalawang tahanan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page