top of page

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga ilaw ng tahanan!

  • Thea Janica Teh
  • May 12, 2019
  • 2 min read

Bulgarific Lifestyle

PARA sa mga ilaw ng tahanan na nagsisilbing liwanag sa madilim nating buhay. Ang ilaw na nagsisilbing gabay sa mga tatahakin natin sa araw-araw, ang ilaw na kailanma’y hindi mapupundi para samahan tayo sa lahat ng pagsubok. Ang no. 1 fan natin at nag-iisang babaeng nagsasabi na tayo ay maganda at guwapo, para sa inyo ang araw na ito.

Happy Mother’s Day Lola Rose, Mama Marivic and Mama Aya!, Maraming salamat po sa lahat ng pagmamahal at pag-aaruga. We love you always and forever! From Anak, Pamangkin and Apos, -Maria Aurora, Aurora

Happy Mother’s Day Mama Nora thank you sa walang sawang pag aasikaso sa aming 4 na magkakapatid, kay papa, pepper and sasha. We love you always more power pa Mama- Bulacan

Hi mommy, Happy Mother’s Day. Here’s for everything na ginawa mo para sa amin mommy. I love you, mommy! I can’t put into words kung gaano po ako ka thankful para sa lahat ng nai-provide ninyo sa amin. I thank you for everything, mommy. I will never be where I am now without you and daddy. No person can replace you in my heart, mommy. Will always love you and daddy and shoti. Mwaaaah! From R. Josen- Caloocan

Happy Mother’s Day Mama Alice, ang Wonder Woman ng aming pamilya. Salamat sa pagiging matiyaga at mabait na ina sa amin. Gayundin sa pagiging matiyagang guro sa iyong mga estudyante. From M. Santos- Baliuag, Bulacan

Happy Mother’s Day to Mia Arca! Stay healthy and beautiful as always! Maraming salamat po sa lahat ng pagmamahal at sakripisyong ibinibigay mo sa amin. Salamat sa walang sawang pag-aalaga sa aming lahat. We love you! From Arca and Bañez Family

Thank you seems very small to say when I think about all the sacrifices you have made for us. I love you dearest Mama. Happy Mother’s Day po! – Glenn G.- Bulacan

Happy Mother’s Day Mama Lolit Topacio! Thank you sa lahat ng sakripisyo ninyo para sa amin. Salamat sa walang sawang pagmamahal, pag-aaruga at pang-unawa. We love you! — 4D’s

Kaya para kina nanay, mommy, mama, mudra, mother dear, mamu, tita, lola at kahit ang mga tatay, lolo at tito nating tumatayo bilang ating ina, maraming, maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at pagbibigay ng gabay. Tunay ngang kayo ang ilaw ng tahanan na nagniningning sa aming mga puso!

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page