Comelec ‘wag sundin — P-Duterte | PERA NG KANDIDATO, TANGGAPIN N’YO

WALANG nakikitang masama si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggap ng pera ng mga supporter, hindi para sa pagbili ng boto kundi bilang pamasahe.
“Just tell them, you took the money not for the votes but because you want your fare to go home,” ani P-Duterte sa kanyang talumpati sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago noong Biyernes ng gabi sa Davao City.
Una rito, bago matapos ang talumpati ng pangulo sa grand rally ng mga kandidato ng HNP na pinangunahan ni Mayor Sara Duterte-Carpio, nang magtanong si P-Duterte na, “Walay ihatag nga P100?”.
Ang tanong ng Punong Ehekutibo ay umani ng sigawan mula sa mga tao.
Ibinaling ni P-Duterte ang tanong kay dating Special Assistant to the President at senatorial candidate Christopher ‘Bong’ Go at tumugon sa kanya na bawal ito.
“Bawal? How would these people get home?” tanong ni P-Duterte.
Dahil dito, pinayuhan ng pangulo ang mga supporter ng HNP na sabihin na lamang na nasa meeting at nanghiram ng pera para sa kanilang pamasahe upang hindi makulong.
Lalo namang umani ng sigawan at palakpakan sa mga tao ang sinabi na ito ni Duterte. “Tell them if you don’t take the money, you will have to roam around San Pedro (Street) offering yourself there (for sale) before you could get home,”
“Tuo man no anang Comelec (huwag paniwalaan ang Comelec),” dagdag pa ng pangulo.





Comments