top of page
Pokwang.jpg

Comelec, nganga sa vote-buying

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2019
1 min read

KALIWA’T kanan ang vote-buying.

Inutil ang Comelec!

◘◘◘

PAANO mahuhuli kung ang mismong mga incumbent ang mga namimili ng boto?

Matagal nang iskema ‘yan, pero walang gina­gawa ang Comelec!

◘◘◘

MAGSASAGAWA rin ng eleksiyon sa Pag-asa Islands sa Palawan.

Hindi nga lang nilinaw kung boboto ang Chinese fishermen na nasa bisinidad ng isla!

◘◘◘

NAPATUNAYANG peke ang mga suka na ibinebenta sa merkado.

Pwes, ibunyag ang “brand name” ng mga suka!

◘◘◘

IBINABALA ang malakas na ulan sa araw ng eleksiyon.

Ipinapayo sa mga namimili ng boto na magdala ng payong, baka “mabasa” ang mga pambili ng boto!

◘◘◘

NAKALIMUTAN na naman ang preparasyon sa malakas na lindol.

Kapag yumanig muli, doon ulit sila mage-earthquake drill!

◘◘◘

HINIHILING sa Bulacan ang “flood drill” sakaling gumuho ang Angat Dam.

Tameme ang mga opisyal dito!

◘◘◘

NAG-AAGAWAN ang mga korporasyon sa pagtatayo ng mga bagong airport.

Eh, bakit?

◘◘◘

PINUPUTAKTE ang mga lider relihiyon ng mga kandidato na nais mag­paendorso.

Pati ang Diyos ginamit sa maruming halalan!

◘◘◘

BAWAL na ang kampanya ngayon.

Pero, sa social media, walang bawal-bawal!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page