PRINCESS EOWYN, PATOK

PITONG karera ang aalagwa ngayon kasabay ng Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Sa pagsisimula ng WTA sa Race 1, pinapaboran ang Batang Arrastre habang ang Abakada ang posibleng tumalo. Sa race 2 na umpisa ng Pick 6, nakalalamang ang Jun Tailor habang ang couple entry na Sweet Dreams, Sky Dragon, River Mist at Sunshot ang magkakalaban.
Labanan naman ang magaganap sa Race 3 sa pagitan ng mga kalahok na Pious Ashley at couple entry na Pabulong at Arimunding Munding. Sa Race 4, ipinapatok ang Princess Eowyn habang ang Ava Natalia at Dinalupihan ang magbibigay ng magandang laban.
Pinapaboran ang Heart and Soul habang ang Amazing Cole at Wafu the King ang may panalo sa Race 5.
Ipinapatok din ang Musiko sa Race 6, habang ang couple entry na Silly Song, Gunga Din, Wessfacckol at Seni Seviyorum ang magkakalaban. Magsisilbing pandiin ang Ahala sa Race 7, habang ang couple entry na Heaven Strikes at Keyesspee ang posibleng tumalo isama ang Primero De Marzo sa mga parating sa quartet at Pentafecta.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Batang Arrastre (1) Abakada (6) Race 2- Jun Tailor (5) Sunshot (6) Race 3- Entry No.1 Pious Ashley (3) Race 4- Princess Eowyn (4) Dinalupihan (3) Race 5- Heart and Soul (1) Wafu the King (5) Race 6- Musiko (4) Seni Seviyorum (6) Race 7-Ahala (10) Entry No.3





Comments