top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagboto sa mga kandidato, huwag gawing sapilitan!

  • Ryan B. Sison
  • May 11, 2019
  • 1 min read

MAPAYAPA at maayos na halalan, ito ang gusto ng karamihan, kaya ngayong nalalapit na ang pan kung sino ang maninilbihan sa bayan, huwag sanang magkaroon ng dayaan at sapilitan.

Sa katunayan, umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidato sa buong bansa na bigyan ng kalayaan ang mga botante na makaboto ng maayos dahil kapag nagkataong nawalan ng karapatan ang mga ito dahil sa pananakal ng ilang pulitiko, siya raw mismo ang makababangga ng mga ito.

Gayunman, itigil na ang vote-selling at vote-buying dahil hindi ito nakatutulong sa lipunan kung saan mas lalo lang nitong ginagawang kumplikado ang lahat, lalo na ngayong ayon sa mga kinauukulan ay tumataas ang kaso nito sa iba’t ibang lugar.

Kung gusto nating maging maayos ang 2019 Midterm Elections, umpisahan muna natin ito sa ating sarili, sumunod sa batas ng halalan upang maiwasan ang anumang problema.

Pairalin ang disiplina at huwag hayaang nakawin ng iba ang inyong karapatan na iboto ang mga tumatakbo na sa tingin ninyo ay karapat-dapat.

Dagdag pa rito, bigyang-prayoridad ang senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at illiterate. Huwag magkagulo, magtulakan at magsingitan para maiwasan ang sakitan.

‘Ika nga, kapag may pagtutulungan, magandang resulta ang nakaabang!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page