top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

P-Digong, nambastos na naman ng babae; DDS, nagtawanan at hiyawan pa, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2019
2 min read

P-DUTERTE, NAM­BASTOS NA NAMAN NG GIRL — Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bohol, tila nabighani si P-Duterte sa ganda ni Mayor Tita Baja-Gallentes ng bayan ng Garcia-Hernandez kaya hindi napigilan ng pangulo na sabihan ang babaeng alkalde na sa sobrang ganda nito, hihilahin niya ang panty nito kahit pa mapigtas ang garter.

Dahil sa sinabing ‘yan ni P-Duterte, nagtawanan at naghiyawan ang mga DDS na indikasyong “kinilig” na naman sila sa pambabastos ng pangulo sa babaeng tulad ni Mayor Gallentes, boom!

◘◘◘

KAPAG NATALO ANG “OTSO DIRET­SO”, MAGBU-BOOMERANG ITO SA CBCP—Inendorso ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kandidato ng Liberal Party (LP), ang “Otso Diretso”.

Kung mananalo, oks ‘yan, pero ang masaklap ay kapag matalo.

Kapag natalo sa elek­siyon ang mga inen­dorso ng CBCP, tiyak na magbu-boomerang ito sa Catholic Church kasi ang iisipin ng publiko na hindi si­nuportahan ng mga Ka­toliko ang mga Obispo kaya natalo sa eleksiyon ang mga “manok” ng CBCP, period!

◘◘◘

“BIKOY”, MALAMANG, MA-‘TOKHANG’ KASI MAY WARRANT OF ARREST—Ayon sa Philippine National Police (PNP), may mga warrant of arrest daw sa kasong illegal recruitment at swindling si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na nagbulgar na sangkot daw sa Chinese Triad Drug Syndicate sina Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte at ex-SAP Christopher “Bong” Go.

Aba, kung totoo ito, eh, madali na palang maipato-”tokhang” ng PNP si “Bikoy”, abangan!

◘◘◘

PANGONGOTONG NI “CAROL BAKU­LAW” SA MGA VENDOR, TULOY PA RIN—Hindi pa rin daw nag­lulubay si “Carol Baku­law” sa panghihingi ng “tong” sa mga vendor sa Recto Avenue, Manila.

Duda natin, may taga-city hall na nagbibigay- proteksiyon sa raket ni “Carol Bakulaw” kaya kahit lantaran ang gina­gawa nitong pangongotong sa mga vendor ay walang nanghuhuli sa kanya, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page