Lalo na kung dehins ikaw ang trip nila para sa kanilang anak, lodi! MGA PARAAN PARA MAGUSTUHAN NG BI
- Donna Thea Topacio
- May 11, 2019
- 2 min read

SABI nila, ang pakikisama sa in-laws ang isa sa pinaka-crucial na parte ng pag-aasawa. Dobleng panliligaw o effort ang kailangan nating gawin para ma-win ang puso nila kung saan kailangan nating i-balance ang ating mga desisyon sa kanilang mga opinyon. ‘Yung tipong masuwerte ka sa napangasawa mo, pero sa biyenan? Well, ‘di natin sure! He-he-he!
Kaya, narito ang ilang tips para madali nating makasundo ang ating mga in-law:
1. FIND THE PERKS. Paminsan-minsan ay humingi tayo ng mga payo sa kanila nang sa gayun ay unti-unting mapalagay ang kanilang loob dahil mararamdaman nilang mahalaga ang kanilang opinyon para sa atin. Tandaan natin na malaking tulong kapag naging close natin sila, lalo na sa mga bagong kasal o kasisimula pa lamang sa pagbuo ng sariling pamilya. Marami silang maibibigay na ideya upang madali nating ma-survive ang unang mga taon sa buhay-may asawa.
2. BEGIN YOUR OWN TRADITIONS WHILE RESPECTING THEIRS. Normal lang na magkakaiba ang ating rules sa bahay at paniniwala. Kasabay ng paninindigan natin sa ating mga pinaniniwalaan, dapat matutunan din nating bigyang-respeto ang ideya ng iba. Kung may mga bagay man tayong nasimulang gawin, huwag natin kalimutang maging open-minded sa mga sasabihin ng iba para iwas-aberya. Isa pa, kapag napansin nila na ganito ang ating perspective, malaki ang chance na maging bet nila tayo.
3. ESTABLISH BOUNDARIES. Para sa mga bagong kasal, bagama’t, super hirap mag-adjust, dapat nating matutunan kung paano mag-set ng boundaries sa pamilya ang ating asawa, gayundin sa sarili nating pamilya. Kailangan nilang malaman na hindi porke bagong kasal kayo, eh, wala na kayong ideya o kailangan ninyo palagi ng alalay. I-prove natin sa kanila na handa talaga tayo.
4. BE THERE FOR YOUR IN-LAWS DURING THE TOUGH TIMES. Panigurado, sobrang maa-appreciate nila kapag nasa tabi nila tayo sa mga pagkakataon na kailangan nila ng karamay. Pinansiyal o moral support man ang kaya nating maibigay, huwag natin itong ipagdamot sa kanila. Pamilya sila ng iyong asawa kaya pamilya mo na rin sila.
5. ACCEPT THE BLESSING OF PEACE. Kapag hindi talaga tayo gusto ng ating biyenan kahit anong effort ang gawin natin, makabubuti kung bibigyan natin sila ng space. Pero, siyempre, gamitin natin ang mga panahong ito para makabuwelo o makahanap ng tiyempo na makagawa ng paraan para sa mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan.
6. BE MATURE. Sa totoo lang, kung gaano tayo kamahal ng ating mga magulang, gayundin ang inyong biyenan sa iyong asawa. Kaya lawakan natin ang ating isipan at intindihin natin sila sa anumang pagkakataon, hangga’t kaya nating mag-adjust para sa kanila ‘yun ang dapat nating gawin.
Bagama’t, hindi madali ang makisama sa pamilya ng iyong asawa, gawin pa rin natin ito nang hindi labag sa kalooban tulad ng pagmamahal mo sa iyong asawa dahil sa ayaw o sa gusto mo, nariyan na sila bago ka pa dumating sa buhay ng taong pinili mong makasama, habambuhay.





Comments