top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Chinese food plaza na lumalabag sa batas, lagot!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2019
  • 1 min read

HINDI natin maikakaila na dumarami na ang mga establisimyentong nagbebenta ng mga pagkain na patok sa iba’t ibang bansa.

Kaugnay nito, ipinatigil muna ng gobyerno ang operasyon ng isang Chinese Food Plaza sa Las Piñas matapos ang ilang paglabag.

Sinilip ng inspection team ng Department of Trade and Industry (DTI) ang naturang food plaza.

Nang dumating ang mga awtoridad, napuna na agad nagpulasan ang mga cook at iba pang nakatao sa stalls na tila mga Chinese.

Agad ipinagbigay-alam ng mga awtoridad sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) ang mga kahina-hinalang empleyado ng food plaza para imbestigahan.

Bukod sa work permit ng mga posibleng dayuhang empleyado, ipinasusuri rin ng DTI sa lokal na pamahalaan kung may business permit ang 30 stalls sa loob ng plaza.

Sinita rin ng ahensiya ang ilang stalls na gumagamit ng resibo na may Chinese character dahil hindi umano ito rehistrado sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Gayundin, kinuwestiyon ng DTI ang pagbebenta ng exotic dish at waste disposal ng ilang stalls dahil dumidiretso ang maruming mantika sa open creek na namumuo at nangangamoy.

Dapat imbestigahan hindi lamang ang mga empleyado kundi maging ang tamang waste disposal.

Huwag nating kunsintehin ang mga negosyante sa kanilang paglabag, lalo na kung may kinalaman ito sa ating kalikasan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page