top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Batas kontra vote-buying, now na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2019
  • 2 min read

IPINAAARESTO na si “Bikoy”.

Kumagat sila sa patibong!

◘◘◘

NAG-ENSAYO na sa giyera ang U.S., India, Japan at Pilipinas para sa Scarborough Shoal.

Pautot lang!

◘◘◘

MARAMING sangkot sa vote-buying ang sinalakay.

Klap! Klap! Klap!

◘◘◘

KABILANG sa sinalakay, ang vote-buying sa Tagkawayan, Quezon at Bacoor, Cavite.

Sa totoo lang, halos sa buong bansa ay may nagaganap na vote-buying!

◘◘◘

HINDI naglalabas ang Comelec ng guidelines kung paano idodokumento ng maayos ang vote-buying.

Dapat linawin kung anong klase ng ebidensiya ang magpapatunay na nagkaroon ng vote-buying!

◘◘◘

HALIMBAWA, ang pagsalakay sa Cavite, nakakuha ng cash at sample ballot, sapat ba ito upang idawit at kasuhan ang kandidato na kasama sa sample ballot?

Paano kung ang lahat ng kandidato ay nakasulat sa sample ballot, lahat ba ay kakasuhan at ikakalaboso?

Maselan ang kasong ‘yan!

◘◘◘

ANG mahalaga rito ay aktibo ang buong PNP upang masugpo ang vote-buying.

Karaniwang gumagawa ng vote-buying ay ang mga kandidatong may financier na gambling lords, drug lords at iligalista kasama na ang ismaglers!

◘◘◘

MULAT ang mga botante na ang financier ng kandidato o ang mismong kandidato ay gambling lord.

Ang salaping ipinambibili ng boto ay mula sa illegal at immoral na paraan!

◘◘◘

HINDI patas ang eleksiyon sa bansa sapagkat ang nagdidikta ng magwawagi ay ang mga gambling lord, drug lord at ismagler.

Dapat umaksiyon ang PNP upang makontrol ang paghahari-harian ng mga “police character”!

◘◘◘

‘YAN ang dahilan kaya mahalagang mailuklok sa gobyerno, partikular sa Senado ang may sapat na kuwalipikasyon at karanasan sa pagsugpo ng kriminalidad.

Ang “dirty money” na ginagamit sa eleksiyon ay isa sa mga ugat ng kriminalidad!

◘◘◘

KAILANGANG makagawa ng batas kung paano mapipigil ang mga “financier na ilegalista” na umaayuda sa mga kandidatong sangkot sa vote-buying.

Kailangan ni P-Digong ng kasangga na makatutuwang niya sa pagsugpo sa krimina­lidad!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page