Sundalo at CAFGU in-ambush ng NPA

PATAY sa pananambang ng New People’s Army (NPA) ang isang sundalo sa Jones, Isabela.
Naganap ang pamamaril sa biktima na nakilalang si Private First Class Esternado Zipagan sa Purok 7, Bgy. San Sebastian, nitong hapon ng Miyerkules.
Nasugatan naman ang kasamahan ni Zipagan na si Joey Baguiwong, CAFGU.
Si Zipagan ay nakatalaga sa 5th Infantry Division ng Philippine Army.
Nabatid sa imbestigasyon na mag-iinspeksiyon sana ang mga biktima sa isang community project sa lugar nang pagbabarilin sila ng rebeldeng grupo.





Comments