Romulo at Sotto, inendorso ni P-Digong


INENDORSO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura nina Roman Romulo, bilang kongresista at Vico Sotto bilang mayor sa Lungsod ng Pasig.
“Isang kaibigan, isang matalik na kaibigan, kilala ko, mabait, industrious, honest, dumaan na sa inyo, nakapagserbisyo na and I think that he deserves to be again in Congress. Alam mo, alam na niya ang trabaho niya. Ito ay hindi magnanakaw at wala itong porsiyento sa mga projects nyo. Si Roman Romulo,” pagpapakilala ni P-Duterte.
Makapagbibigay din umano ito ng solusyon sa problema sa iligal sa droga sa nasabing lungsod. “Not only that is he a lawyer, but I said is a citizen of this country and I’m sure, sigurado ako na magsisilbi ito sa inyo. Double the service that he had shown you during his last term. Tulungan ninyo, nakikiusap ako,” pahayag pa ng pangulo.
Ganundin umano si Sotto. “At ito namang si Vico Sotto, kailangan ninyo ‘yan, I’m sure in dealing with drugs paano niya, at least ma-minimize if not eradicate, so, ‘wag niyo na rin siyang kalimutan”, ani P-Duterte.
Ayon pa sa pangulo, kailangang magsama nina Romulo at Sotto para sa kabutihan ng Pasig.
“Madali silang mag-usap at madaling makapagdesisyon kung ano ang dapat at mabuti sa bayan ng Pasig. Bigyan niyo sila ng pagkakataon to prove them,” ayon pa sa pangulo.





Comments