top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Parehung-pareho ang mga ibinabato sa Pamilya Duterte | Trillanes, buking na utak ng ‘Bikoy’ video

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 10, 2019
  • 2 min read

MALAMANG, alam na ninyo ang tina­tawag na “Bikoy” video, ito ang video na ku­malat sa social media, kamakailan.

Sa video, mapanonood ang mga paratang sa Pamilya Duterte na isinasangkot sa mga sindikato ng iligal na droga at maging ang dalagita nitong anak ay idinamay din.

Grabe talaga ang “black propaganda” na ito kung saan ang nagpaparatang ay tawagin na lang daw “Bikoy”.

Nakatago ang mukha nito sa video, pero ngayon ay lumantad na ito sa publiko.

Sa pag-analisa natin, si Senador Antonio Trillanes IV, na walang humpay kung buma­nat kay Pangulong Rodrigo Duterte ang gumawa o nagsulat ng script nito.

Bakit kanyo? Mula noong 2016, dalawa ang paratang ni Sen. Trillanes kina Pangulong Duterte, “Pulong” at ex-SAP Christopher “Bong” Go.

Una, malaki raw ang itinatago ni Pa­ngulong Duterte sa kanyang bangko, suhol daw galing sa mga sindikato.

Natatandaan ba ninyo noong eleksiyon, hinamon pa niya si Pangulong Duterte na payagan daw ang bangko na isapubliko ang bank account nito?

Pangalawa, hindi natin alam kung saan niya nakuha ang ideyang ito, pero ang anak daw ni Pangulong Duterte na si “Pulong” at ang dati nitong assistant na si “Bong” Go raw ay may dragon tattoo sa kani-kanilang likod na nagpapahiwatig na miyembro sila ng Chinese Triad Syndicate.

Si Sen. Trillanes lang ang nagpaparatang ng dalawang bagay na ito. At ito rin mismo ang ipinararatang ni “Bikoy” sa kumalat na video.

Pinayabong pa ni “Bikoy” ang dalawang paratang at sinasabi niyang ang dragon tat­too raw ay may code na detalye ng bank ac­counts.

Ang ginagawa raw ni “Bikoy” ay ini-scan ito para mapatunayang ang bank accounts ay kina “Pulong” at “Bong” Go, para roon ipadadala ang kanilang suhol!

Grabeng imbento, ano? Kaya buking na si Sen. Trillanes. Siya lang ang matagal nang nagpaparatang ng dalawang ito, ang bank accounts at dragon tattoo, mga kasinunga­lingan na ipinararatang din ni “Bikoy” sa pangulo at pamilya nito.

Isa pang ideya kaya buking na ang se­nador ang nagsulat ng script ni “Bikoy”, ang kuwento nito ay nangyari sa Albay na pro­binsiya ni Sen. Trillanes.

Isipin ninyo, ang bangko raw, sabi ni “Bi­koy” kung saan idinideposito ang suhol ng mga sindikato ay ang Rural Bank of Guino­batan, saan ito?

Sa Albay, malapit sa siyudad ni Sen. Tril­lanes na Ligao City!

Ito pa, ang mga pulitiko na pinaratangan ni “Bikoy” na sangkot sa iligal na droga ay mga taga-Bicol.

Kabilang daw dito sina Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado, Albay 3rd District Rep. Fernando Gonzalez, dating Camarines Sur Rep. Luis R. Villafuerte at Catanduanes Gov. Joseph Cua.

Eh, suspetsa natin, isinabit ni Sen. Trilla­nes ang mga ito dahil hindi tumutulong o hindi nagbigay-suporta ang mga ito para sa kanyang kampanya noon.

Pinaratangan pa ni Sen. Trillanes na ang Misibis Bay Resort na kung saan ay may mga laboratory ng shabu, saan ito?

Sa Albay, malamang, ayaw ilibre si Sen. Trillanes kaya idinawit din niya sa “Bikoy” video, ano sa tingin ninyo?

Ngayong buking na si “Bikoy”, buking na rin si Sen. Trillanes, malamang, lagot siya sa mga pulitiko at negosyante na pinaratangan ni “Bikoy” na sangkot sa iligal na droga!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page