top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mister galing trabaho, mga anak ginutom | MISIS NA ADIK SA COMPUTER GAMES, TINAGA SA ULO

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2019
1 min read

ISANG ginang ang sugatan makaraang tagain ng kanyang kinakasama sa Tampakan, South Cotabato.

Ayon sa suspek na si Joey Magon, Jr., kauuwi lang niya galing sa trabaho nang datnan niya ang kanilang mga anak sa bahay na nagugutom na dahil hindi pa pinakakain ng kinakasamang si Angelou Peligrino.

Uminit umano ang ulo ni Magon nang makita niyang naglalaro lang ng computer si Peligrino kaya niya ito tinaga sa ulo.

Sumuko naman sa barangay si Magon habang nagpapagaling sa pagamutan si Peligrino. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page