top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

May kasamang foreigner… JM, NAMBUGBOG SA BAR, TUMAKAS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUMALAT ang balitang diumano’y nasangkot ang aktor na si JM de Guzman sa isang bugbugan na na­ganap noong Martes (May 7) nang gabi sa Flying House Resto Bar sa Malingap St., Bgy. Teachers Village West, Quezon City.

Ayon sa news report, isang real estate broker ang nagreklamo kay JM at sa kasama nitong foreigner matapos umano siyang pagtulungang bugbugin sa loob ng resto bar.

Kinilala naman ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District sa pangunguna ni P/Capt. Juan Mortel ang biktima na si Pitt Norman Zafra, na isang real estate broker at residente ng Saint Mary St., Bgy. E. Rod., Cubao, Quezon City.

Hina-hunting na raw ng mga oto­ridad ang mga nakatakas na suspek na kinilalang si JM de Guzman at ang kasama nitong foreigner na ‘di pa nakukuha ang pangalan.

Batay sa inisyal na imbestigas­yon, 8:45 nang gabi noong Martes naganap ang insidente.

Ayon sa mga naka­saksi sa pang­yayari, nakita umano nilang tumayo at pinuntahan ng foreigner na kasama ni JM ang biktima sa table nito at sa hindi mala­mang dahilan ay sinun­tok sa harap ng live-in partner nitong nakila­lang si Madel Bermudez.

Sumunod daw na lumapit si JM sa table ng biktima subalit sa halip na awatin ang kanyang kasamang foreigner ay sinipa pa umano nito sa likuran si Zafra at pag­katapos ay sabay na lu­ma­bas ng resto bar ang dalawa.

Kung sakaling totoo ito, ano kaya ang mang­yayari sa career ni JM na nagsisimula pa lang uli pagkatapos lumabas sa rehab?

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo ng aktor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page