top of page
Pokwang.jpg

Mamamahayag na pinupuwersa ng maimpluwensiyang tao na pangalanan ang sources sa ginawa nitong report

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Mayroon akong kilalang rehistradong mamamahayag na pinupuwersa ng mga maimpluwensiyang tao na pangalanan ang kanyang “sources” sa kanyang ginawang report kamakailan lang. Nais kong ma­laman kung maaari ba nilang gawin ito? — Arya

Dear Arya,

Para sa inyong kaa­la­man, nakasaad sa Section 5 ng Republic Act No. 10173 o mas kilala bilang “Data Privacy Act of 2012,” na:

“Section 5. Protection Afforded to Journalists and Their Sour­ces. – Nothing in this Act shall be construed as to have amended or repealed the provisions of Republic Act No. 53, which affords the publishers, editors or duly accredited reporters of any newspaper, magazine or periodical of general circulation protection from being compelled to reveal the source of any news report or information appearing in said publication which was related in any confidence to such publisher, editor, or reporter.”

Ibig sabihin, hindi maaaring pilitin ang ma­mamahayag na ibun­yag ang “source” niya tung­kol sa balita o impormas­yon na kanyang ilalat­hala. Kaya ang iyong kakilala na rehistradong mamamahayag ay hindi maaaring puwersahin ng nasabing mga maimplu­wen­siyang tao na panga­­la­nan ang kanyang “sour­c­es” sa ginawa niyang report, kamakailan lang.

Nawa ay nasagot na­min ang inyong katanu­ngan. Nais na­ming ipa­alala sa inyo na ang opin­yong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagka­kaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung may­roong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mai­nam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagti­tiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page