top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ipinagyayabang na malagong ekonomiya, buking na boladas lang pala!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2019
2 min read

MALAGO RAW ANG EKONOMIYA, EH, BAGSAK PALA—Inamin ni Socio-economic Planning Sec. Ernesto Pernia na mula sa dating 6.3% Gross Domestic Product (GDP) noong nakaraang taon ay bumagsak ito sa 5.6% ngayong 2019.

Kung ganu’n, boladas lang pala sa publiko ang ibinida ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Statistics Auhtority (PSA) na malaki ang inilago ng ekonomiya sa ilalim ng Duterte gov’t., boom!

◘◘◘

SPECIAL HOLIDAY SA MGA ‘BUWA­YANG’ PULITIKO—Idineklara ng Malacañang na special non-working holiday ang May 13, 2019, araw ng pagboto ng mga botante sa mga kandidato.

Hanep, ha, pati pagboto sa mga “buwayang” pulitiko, special holiday na rin?

Teka lang, ‘yung mga “buwayang” pulitiko lang ang tinitira natin dito at hindi ang mga matitinong kandidato, period!

◘◘◘

SABLAY ANG MATRIX NI PANELO—Nagulat sina TV host Gretchen Ho at weightlifter champion Hidilyn Diaz nang mapasama ang kanilang pangalan sa matrix na inilabas ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kabilang daw sila sa “Oust Duterte Movement” na naglalayong patalsikin sa puwesto si P-Duterte.

Dahil hindi naman nakikisawsaw sa isyung politika sina Gretchen at Hidilyn, lumalabas ngayon na sablay ang matrix ni Panelo, boom!

◘◘◘

MGA PULITIKONG SANGKOT SA VOTE-BUYING, IDISKUWALIPIKA—Matapos maaresto ng Cavite PNP ang 10 supporters ni Governatorial candidate Jonvic Remulla na namimili ng boto ay dinakip din ng Quezon PNP ang magsasaka na si Fredelino Cunanan at driver na si Darius Bonifacio nang makumpiskahan sila ng mga sobre na may lamang sample ballot ng tiket ni Mayoral bet Roberto de Vero sa Tagkawayan, Quezon.

Kaya kung sinsero ang Comelec sa kanilang layunin para sa malinis na halalan, dapat idiskuwalipika na nila agad ang mga ganitong uri ng kandidato, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page