FAJARDO, BEST PLAYER OF THE PBA CONFERENCE

ITINANGHAL bilang Best Player of the Conference ng PBA Philippine Cup si June Mar Fajardo. Natanggap ni Fajardo ang tropeo noong Miyerkules ng gabi bago mag-Game 4 ng Philippine Cup finals.
Ito ang pang-anim na sunod na panalo ni Fajardo ng BPC sa Philippine Cup upang lalong mapatunayan na isa siya sa pinakamagaling na manlalaro sa PBA ngayon.
Ayon kay Fajardo, mas gusto pa rin niya ng mas maraming titulo kaysa sa BPC. “Kailangan lang talaga namin ipanalo ‘yung game na ito. Thankful ako na nakuha ko ‘yung BPC. Sobrang blessed ko. Sobrang credit ko ‘yun sa management, sa coaching staff at sa mga teammates ko kasi hindi ko makukuha ‘yun kung hindi dahil sa kanila.”
Nagwagi si Fajardo pagkaraang makakuha ng 1,165 points mula sa statistical points, media votes, player votes at PBA votes upang talunin sina Sean Anthony ng NorthPort, RR Pogoy ng TNT, Stanley Pringle ng NorthPort at Moala Tautuaa ng NorthPort.
Kumuha ng 641 points si Anthony habang nakakuha ng 522 points si Pogoy. Nakakolekta si Pringle ng 473 points habang ang kanyang kakampi na si Tautuaa ay nagtala ng 380.
Matapos niyang makuha ang BPC ay dinomina ni Fajardo ang Game 4 nang makagawa ng 31 points at 14 rebounds para sa San Miguel upang talunin ang Magnolia, 114-98.





Comments