Dahil sa patuloy na pang-aabuso ng ilang drayber sa mga pasahero | Regular white taxi sa NAIA Termin

KASUNOD ng pagdami ng insidente dahil sa pang-aabuso ng ilang drivers ng white taxi sa mga pasaherong galing airport, nagdesisyon na ang Manila International Airport Authority (MIAA) na pagbawalan muna ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Gayunman, noon pa man ay marami na talagang pasaway na driver na sobra-sobra kung maningil ng pamasahe at ‘yung iba ay nandaraya pa sa metro na masasabing salot talaga sa lipunan ang mga ganyang klase ng tao.
Samantala, base sa vlog ng Austrians na nakilalang sina Mike at Nelly, pinilit umano silang magdagdag ng bayad ng taxi driver dahil mabigat ang kanilang bagahe ngunit, hindi pumayag ang mga dayuhan dahil alam na nila ang singilan ng taxi sa Pilipinas, kaya naman muntik pa umano siyang saktan ng driver na nakilalang si Jhumil Bule na ngayon ay hinuli at pinatatanggalan ng MIAA ng lisensiya sa Land Transportation Office (LTO).
Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, sa oras na makitang matagumpay ang bagong polisiyang ito ay plano na rin itong ipatupad sa Terminals 2 at 4.
Kaya ngayon, ang maaari munang gamitin ng mga balikbayan o pasahero ay yellow taxi, airport buses, coupon taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Kaya ang panawagan natin sa mamamayan, huwag magpaloko sa mga abusadong drayber na walang ginawa kundi ang manlamang sa kapwa!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments