top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

18k interim shelter fund at gabay pangkabuhayan, handog ng PCUP sa mga naninirahan sa waterways at r

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 10, 2019
  • 2 min read

HINDI lamang natatapos sa assistance sa demolisyon at ebiksiyon ang pagtulong ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa ating mga kapatid na maralita. Bukod sa 18K Interim Shelter Fund mula sa DILG na maaaring makuha ng mga pamilyang nakatira sa waterways, nagbibigay din ang komisyon ng gabay-pangkabuhayan sa resettlement sites. Ito ay upang matulungang makapagtayo ang komunidad ng sapat na pagkakakitaan para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Tanong: Good day, Sir Alvin! Kami ay nasa resettlement site sa Rizal, gusto ko lang itanong kung paano ninyo kami matutulungan na magtayo ng business o kahit anong puwedeng pagkakitaan? Maraming salamat! — Freddie

Sagot

Hello, Freddie! Salamat sa iyong katanungan. Malaki ang maitutulong ng PCUP sa mga proyektong pangkabuhayan na maaari ninyong maitayo tulad ng sari-sari store, patahian at iba pa.

Gagabayan kayo ng PCUP sa pagbuo ng Management Team mula sa inyong resettlement na siyang mamamahala, magpaplano at magpapatupad ng mga gawain para sa negosyo. Matapos nito ay bibigyan tayo ng pagsasanay sa paggawa ng project proposal at budgeting ng pondo.

Tutulungan din natin ang samahan sa pagpaparehistro ng nasabing negosyo upang magkaroon ng juridical personality at makakuha ng nararapat na permit.

Pagkatapos nito ay sasanayin natin ang managers sa pamamagitan ng mga module ng PCUP tungo sa mas mataas na antas ng kaalaman at kapabilidad sa pagpapatakbo ng itinayong proyekto.

Tandaan, naririto ang PCUP para tulungang umangat ang buhay ng mga maralitang Pilipino sa pamamagitan ng mga programa at livelihood training. Maaari kayong sumangguni sa mga area coordinator sa inyong lugar para sa inyong mga concern.

Kung kayo ay mayroong katanungan o suhestiyon, maaari kayong mag-email o sumulat sapcup.media2019­@gmail.com, sa Official Face­book Page na www.­facebook.com/pcupPH at gamitin ang hashtag na #PCUPatyourService. Maaari rin kayong bumisita sa ating tanggapan sa PCUP Office, 4th floor DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page