10 years kulong at P37 million multa sa fake news
Matapos ang mga pagtutol, naipasa na sa Singapore ang batas na magpapataw ng parusa sa pagpapakalat ng fake news.
Sa ilalim ng batas, binibigyan ng kapangyarihan ang pamahalaan na atasan ang social media sites tulad ng Facebook at Twitter na maglagay ng babala sa mga posibleng mali o pekeng balita.
Gayundin, puwedeng atasan ang mga ito na i-take down ang posts kung ito ay posibleng mali o peke.
Kung mapatutunayang malisyoso at damaging sa interest ng Singapore ang post, maaaring magpataw ng multa na $735,000 o mahigit P37 million habang ang indibidwal na mapatutunayang lumabag ay posibleng makulong hanggang sampung taon.





Comments