Sinita sa helmet, sample ballot at pera buking | SUPPORTER NG KANDIDATO, TIKLO SA VOTE-BUYING
- Levi Gonzales
- May 9, 2019
- 1 min read
TIMBOG ang isa umanong tagasuporta ng kandidato matapos tumambad ang iba’t ibang klase ng dokumento at pera sa Bgy. Tabason, Tagkawayan, Quezon.
Base sa report, nagsasagawa sila ng Oplan Sita sa lugar nang sitahin ang motorsiklong sakay ang suspek na si Fredilino Cunanan.
Kinompronta nila ito dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet saka hinanapan ng kaukulang lisensiya.
Habang kinukuha nito sa kanyang bag ang lisensiya nang mahulog ang mga sample ballot kasama ang tig-P500 nakaipit sa balota. Narekober pa sa kanya ang ilang pirasong tig-P200 na posibleng gagamitin din sa pamimili ng boto.
Binalaan naman ng liderato ng pulisya ang mga kandidatong mamimili ng boto ngayong eleksiyon na hindi sila titigil na hulihin ang lumalabag sa paparating na eleksiyon.





Comments