top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Panawagan sa pamahalaan, pangangailangan ng manggagawang Pilipino, ibigay!

  • Ryan B. Sison
  • May 9, 2019
  • 2 min read

SAHOD ng mga manggagawa, itaas; presyo ng mga bilihin, ibaba; kontrak­tu­wa­lisasyon, tuldukan!

Ito ang sigaw ng ilang health workers na nagmartsa at nagprotesta sa tulay ng Mendiola upang ihirit ang dag­dag-sahod na matagal na nilang gustong makuha.

Ang grupong ito ay ang Alliance of Health Workers na kinabibilangan ng mga doktor at nars mula sa mga pribado at pampublikong ospital sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa isa sa mga manggagawa para sa kalusugan, noong si dating Pangulong Benig­no Simeon “Noynoy” Aquino III pa umano ang nakaupo sa gobyerno ay nais na nilang maitaas ang kanilang suweldo ngunit, hanggang nga­yon na halos mag-aapat na termino na si Pangulong Rod­rigo Duterte na nakaupo ay hindi pa rin ito nabibigyang-tugon.

Kaya naman, kasabay ng pagdiriwang ngayong taon ng National Health Wor­kers Day ay hindi na nagpatumpik-tum­pik ang mga manggagawa upang ipag­siga­wan ang kani­­lang mga pangangaila­ngan dahil sa hirap ng buhay.

Dagdag pa rito, anila, tulad ng mga pulis at sundalo, buhay ang kanilang isi­nasalba at ma­laki ang responsibilidad nila para sa bayan kaya dapat lang umano na taasan ang kani­lang sinusuweldo kada buwan.

Gayundin, nais ng nasabing grupo na tu­luyan nang wakasan ang kontrak­tu­wa­lisasyon sa mga health worker sa bansa.

Kaya ang panawagan natin sa pama­hala­an, ibigay ang nararapat para sa mangga­gawang Pilipino dahil aminin man natin o hindi, kahit may ilan sa kanila ang palpak sa serbisyo, sila pa rin ay napakikinabangan sa oras ng panga­ngailangan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page