Municipal administrator niratrat, utas
NASAWI matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang municipal administrator ng San Isidro, Leyte.
Ayon kay Police Capt. Edgar Octaviano, alas-7:30 ng umaga ng Miyerkules nang pagbabarilin ang biktimang si Levi Mabini alyas Bambam sa Bgy. Capiñahan.
Batay sa imbestigasyon, umalis sakay ng motor ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na nakasakay din sa motorsiklo na sina Joseph Misa at Alan Amen.
Habang binabagtas ang national highway sa Bgy. Capiñahan, napahinto sila sa gasolinahan kung saan biglang sumulpot sa kanilang harapan ang SUV at bigla na lamang silang pinagbababril. Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Mabini na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay habang nasugatan naman matapos tamaan sa binti ang kasamahan nitong si Misa.
Samantala, nadamay din sa pamamaril ang isang Jea Itang, 19, na tinamaan ng bala sa paa. Tumakas ang mga suspek matapos ang krimen habang patuloy ang pagtugis at imbestigasyon sa insidente.
Nakuha sa crime scene ang 4 na bala ng M16 at 1 bala mula sa 9 mm na baril.





Comments