Mula raw nang ikasal, laging talo sa halalan | MAR, MINALAS KAY KORINA
- Mylene Alfonso
- May 9, 2019
- 1 min read

NAAAWA ang ilang mamamayan kay dating Interior Secretary at Otso Diretso bet Mar Roxas dahil sa sinasapit nitong kapalaran sa politika.
Ito ay dahil dalawang beses nang tumakbo sa mataas na posisyon si Roxas ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi nagwawagi.
Unang inasam ni Roxas ang pagiging bise-presidente laban kay dating Vice-President Jejomar Binay noong 2010, ngunit, natalo, gayundin bilang maging pangulo noong 2016 elections kahit todo ang suporta sa kanya ng pamahalaan dahil sila ang nasa puwesto nito.
Kasabihan na ng Filipino na ang kamalasan ng isang tao ay tatlong magkakasunod at sa Lunes, 2019 Midterm Elections, umaasa ang kampo ng dating kalihim na maudlot ang ‘maalat’ na kapalaran nito.
Asam ng mga naniwala kay Mar na sana ay makapasok ito sa Magic 12 para makabalik sa Senado at matapos na ang anila’y kamalasan sa buhay-politika. Gayunman, ilan sa mapamahiin ang nagsabing dapat daw ay ipagpag muna ni Mar ang kanyang misis na si Korina Sanchez.
Ito umano ang naghatid ng kamalasan kay Mar mula nang ikasal sila noong 2009 ilang buwan bago ang 2010 Presidential Elections kung saan siya tinalo ni Binay.
Sa comment ng isang netizen sa Facebook, sinabi ni Len Cordero, “Nu’ng tumakbo si Mar, nagpakasal sila ni Korina. Ngayon tatakbo ulit, nagkaanak sila ni Korina. Congrats sa baby, pero no vote pa rin sa daddy.”
Kahit umano malaking personalidad si Korina sa media industry at epektibong mamamahayag, hindi malaman kung bakit hindi nito naipanalo ang kanyang esposo.
Kambal ang naging anak nina Mar at Korina na inaasahang ang mga ito ang tutuldok sa anila’y mistulang kamalasan sa buhay-politika ng dating senador.





Comments