top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KLITSCHKO, OUT NA SA BOXING KEVIN LOVE, NA-DEPRESSED

  • MC/Alvin Olivar
  • May 9, 2019
  • 1 min read

AYAW na raw bumalik ni Wladimir Klitschko sa boxing ring, ayon kay Joh­na­thon Banks, ang close friend at trainer ng boxer.

Nagretiro ang dating unified heavyweight world champion noong 2017 ma­karaang dumanas ng 11th round na pagkatalo mula sa mga kamay ni Anthony Jo­shua sa harap ng may 90,000 fans sa Wembley Stadium sa London.

Pero sa huling ilang bu­wan, tila mababalewala ang tsismis nang makapanayam si Klitschko ng DAZN strea­ming service na nag-alok sa kanya ng napakalaking ha­laga ng kontrata para muling sumabak.

Ilang beses na rin daw tumanggi si Klitschko at ipinagmamatigasan ang sa­litang “never say never” pero tila mukhang mababali dahil isang media outlet ang nangulit sa kanya. Sinabi kasi ni Banks, ang bagong head trainer ni top middle­weight Gennady Golovkin na ang huli ay kalalagda lang sa six fight $100 million deal sa DAZN.

My take on it from conversations I’ve had with him is that he’s staying put,” saad ni Banks sa Behind The Gloves. “He’s happy with the way he left the sport, he’s satisfied with the things that he did in the sport, and he’s not coming back.”

Samantala, ibinahagi ni NBA star Kevin Love ang ginawa niyang paglaban sa depression matapos maka­tanggap ng Change Maker Award mula sa Child Mind Institute ay nabanggit niya ang kanyang karanasan

Marami ang ‘di nakaa­alam sa kanyang pinagdara­anan kaya nagpokus na lang siya sa basketball. Taong 2018 nang ilunsad ng Cleve­land Cavaliers star ang Ke­vin Love Fund upang uma­ga­pay sa mga ahensiya na nagbibigay tulong sa mga batang dumaraan sa dep­resyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page