Iskul niratrat, 7 nadale
PITO ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa STEM School sa Colorado.
Ayon sa Douglas Country Sheriff Office, rumesponde sila sa STEM School Highlands Ranch matapos makatanggap ng report na nagkaroon ng pamamaril.
Agad nagpatupad ng lockdown sa paaralan at iba pang eskuwelahan na pag-aari ng Highlands Ranch. Matapos isa-isahin ng mga awtoridad ang mga silid-aralan, nadakip ang dalawang suspek.
Ang STEM School Highlands Ranch ay mayroong 1,850 estudyante na pawang elementarya, middle school at high school.





Comments