Hirit ng Simbahan | KORUP ‘WAG IBOTO
- Madel Moratillo
- May 9, 2019
- 1 min read

HINIKAYAT ng isang opisyal ng Simbahan ang mga botante na huwag iboto ang mga corrupt politician.
Ginawa ni Antipolo Bishop Francisco de Leon ang panawagan sa kanyang homiliya nitong Martes nang pangunahan ang pagdaraos ng banal na misa para sa solemnity ng Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo Cathedral.
Ayon kay De Leon, walang aasahang pagbabago ang mga mamamayan kung patuloy nilang iboboto ang mga korup na pulitiko.
Giit ng arsobispo, ang korupsiyon ay nananatiling malaking problema ng bansa dahil patuloy na naihahalal sa posisyon ang mga korup na pulitiko.
Labis naman ang pagkadismaya ni De Leon sa aniya’y mga traditional politician na sinasamantala ang mamamayan na handang magbenta ng kanilang boto kapalit ng kaunting halaga ng salapi.
Kaya nananawagan din ito sa mga botante na huwag ibenta ang kanilang boto dahil nangangahulugan ito ng pagbebenta ng kanilang konsensiya at kredibilidad ng nasyon para sa pera.





Comments