Habang nangangampanya | AUSTRALIAN PM, BINATO NG ITLOG SA ULO
- Jersey Sanchez
- May 9, 2019
- 1 min read
BINATO ng itlog sa ulo si Australian Prime Minister Scott Morrison habang nasa campaign event sa Albury noong Martes.
Batay sa impormasyon, nakikipag-usap lamang ang opisyal sa mga delegado nang lumipad mula sa likuran nito ang itlog na hindi naman nabasag.
Nakilala ang babaeng nambato ng itlog na si Amber Holt at sinampahan ng kasong common assault at possession of a prohibited drug dahil nakuhanan ito ng marijuana.
Sa panayam kay Morrison, natural ang hindi pagkakaunawaan sa mga bagay ngunit, hindi ibig sabihin nito na kailangang magsagawa ng hindi magandang uri ng protesta.
Nabatid na ito na ang ikalawang insidente ng pambabato ng itlog sa Australian politician ngayong taon.





Comments