top of page
Pokwang.jpg

VEDEJA AT MAYANG CHAMP SA SUMMER RUN

Eddie M. Paez, Jr.
May 8, 2019
1 min read

NAGPOSTE sina Leo Nathaniel Vedeja at Raegin Mayang ng ka­ni­lang mga pangkam­peonatong porma upang pangunahan ang men’s at women’s division ayon sa pagkakasunod-sunod sa two-in-one na karerang tinawag na 2019 Pitogo Summer Road Run sa lungsod ng Makati kamakailan.

Malupit na pacing ang pinakawalan ni Ve­deja, 16-anyos na mag-a­aral ng Pineslight School, sa maikli ngunit ma­pang­hamong ruta na may pa­lusong at paahong mga bahagi at kinapalooban ng tatlong laps.

Unang ikot pa lang ng karerang isang color run ay nakadistansiya na ang binatilyo mula sa pinaka­mahigpit na mga kalaban at hindi na nito binitiwan pa ang trangko hang­gang sa mag-isang maka­tawid sa meta.

Nagsumite ang kam­peon ng tiyempong pi­tong minuto at 57.5 se­gundo para sa 2.2 kilo­metrong paglalakbay.

Malayong segunda naman sina David Lance Paez, 12-taong-gulang mula sa Don Bosco Ma­kati (10:40.4) habang ang 60-anyos na si Maximo Dublois (10:57.6) ay pu­mangatlo sa kaganapang idinaos upang gunitain ang pagkakatatag ng dis­trito ng Pitogo at lumikom ng maaring isuporta sa Blessed Pedro Calung­sod.

Sa grupo ng mga kababaihan, naging dikdi­kan ang sagupaan pero hindi nagpakita ng pang­hihina si Mayang, isang kawani ng MyTown, sa mga karibal kaya nakuha ang tiyempong 11:41.9 at ang trono sa karerang isi­naayos ng EMPJR Events Management sa pakiki­pag­tulungan ng pama­halaang lokal ng Pitogo.

Bumuntot sa nagwagi ang 43-anyos na si Evelyn Jayme (11:45.3) saman­talang nasa ‘di kalayuan ang pumangatlong si Sheryl Mae Sanchez (12:19.1) sa paligsahang nagsilbi ring pagdiriwang ng mga momshies na run­ners at lalo pang naging masigla dahil sa photo­booth na ipinoste sa finish line area.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page