top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Tinawag na kabit, ikinalat pang dawit sa droga… AIKO, NAPIKON NA, IDINEMANDA ANG VICE-GOV NG ZAMBALE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2019
2 min read

PORMAL na nagsampa ng kasong libelo si Aiko Melendez laban kay Zambales Vice-Governor Angelica Magsaysay-Cheng sa Olongapo Office of the City Prosecutor kahapon.

Kasama ang abogadong si Carlo Bonifacio Alen­tajan at boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun, dumulog si Aiko sa sala ni Associate Provincial Prosecutor Ritchie John Distor Bolano para magsumite ng kanyang complaint-affidavit.

Sa kanyang inihaing reklamo ay nakasaad ang mga diumano’y paninira ng nasabing vice-governor laban sa kanyang reputasyon partikular na nga ang pagsasangkot sa kanya sa droga. Bukod pa rito ang pagtawag umano sa kanya ng isang “kabit.”

Ayon kay Aiko ay nagdesisyon na siyang mag­sampa ng kaso dahil sobrang sinisira na raw ang kanyang reputasyon at pagkatao.

“May van na umiikot sa buong Zambales, may LED silang malaki, and then, ipine-play ‘yung video na may picture ko and nakalagay, ‘sangkot sa droga,’” pahayag ni Aiko.

Para sa aktres ay foul na ito at napaiyak pa siya nang malaman niya ang ginagawang ito sa kanya.

“Sobrang sakit na mapagbintangan. I’ve been in this business for 30 years, I was never linked to any drugs issue. And yearly pa nga, ‘di ba, nagpapa-drug test ako? Ipino-post ko ‘yan sa IG ko to set an example sa mga kasamahan ko sa industriya, tapos, ako ang pagbibintangan ng ganu’n?

“And I’m not gonna allow anyone naman to tarnish my reputation just like that. I worked hard for my name. And this is so unfair. Parang hindi na tama.

“Kung ang kalaban niya, si Jay, I would understand (kung) si Jay (ang tinitira). Pero ako. . .” pahayag pa ni Aiko.

“This is a fight between Jay and Angel sa pulitika. Pero itong ginawa niya sa akin, personal ‘to, eh. And wala kang ebidensiya. Bakit mo ako isasangkot sa isang bagay na wala kang ebidensiya? Kaya kami nakikipaglaban ni attorney,” she said.

Reputasyon na raw niya ang at stake rito, bukod pa nga sa inaalala rin niya ang mga anak na maaaring maapektuhan.

“Ano na lang ang sasabihin ng mga anak ko kung mababasa nila ‘to? And if I don’t do anything about it, mauulit ‘to to anyone, to anybody. That’s why I’m going to fight this through,” she said.

Si Vice-Gov. Angel at Subic Mayor Jay ay ma­higpit na magkalaban ngayong halalan bilang vice-governor sa Zambales.

Pahayag pa ng aktres, ang talagang nag-trigger sa kanya para magdemanda ay ang isangkot siya sa droga.

“Sa akin, okay lang ‘yung iba, eh. Eto, ‘yung illegal substance, foul na ‘to, eh. Saka malinis ang kunsensiya ko, eh. ‘Pag mali ako, magso-sorry ako, pero at this point in time, tama ako, eh. Ipaglalaban ko ‘to and parang sobrang-sobra na. Kung tatahimik pa rin ako hanggang ngayon, parang aping-api na ako.”

Nilinaw ni Aiko at ng kanyang legal counsel na walang kinalaman ang eleksiyon sa pagsasampa nila ng kaso at sa pagtutunggali ng dalawa sa halalan.

“This is not election-related. Aiko is a woman, she has rights, everybody has rights. She’s also a mother of 2 and she’s just protecting her rights by filing this criminal case. It’s not even related to this elections,” pahayag ni Atty. Alentajan.

Samantala, bukas naman ang aming kolum dito sa Bulgar para sa panig ng kampo ni Vice-Gov. Angel Magsaysay-Cheng.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page