top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Senado, magagamit na naman sa kadramahan, tsk-tsk-tsk

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2019
1 min read

MAY umangkin na sa identity ni “Bikoy”.

Paano kung may “isa” pang “Bikoy” na lumutang?

◘◘◘

HINDI lahat ng umaamin sa kasalanan ay totoong gumawa ng krimen.

Kailangang patunayan ng “claimant” na siya talaga si “Bikoy”!

◘◘◘

SA aktuwal, tipong “narrator” o “message reader” lang ang nagpa­kilalang si “Bikoy”.

Ibig sabihin, binasa lang niya ang “isang mensahe”!

◘◘◘

MAY dalawang “actor” sa “Bikoy” video clip.

Isang nakatalukbong at isang nag-voice over.

Sino ang nag-voice over na ang “boses” ay pang-DJ?

◘◘◘

MALINAW kung gayun na “scripted” ang “Bikoy” video clip.

At ang sumuko ay simpleng “actor”.

Kung guilty ang “message reader”, at website owner, dapat guilty din ang “nag-voice over”!

◘◘◘

MARAMI ang nagtatanong: Magkano ang ibinabayad sa mga “actor”?

Milyones ‘yan.

Kumbaga, “risk” ang binayaran dito.

Milyones ang katapat ng “seguridad” ng actor!

◘◘◘

ITUTULOY ang drama ni “Bikoy” sa Senado, ang bagong tradisyunal na lugar ng “zarzuela”.

Ang Senado ay naging entablado rin ng mga naunang actor na sina Matobato at Lascanas!

◘◘◘

NASAAN na sina Matobato at Lascanas?

First hand information ang “ibinenta” nina Matobato at Lascanas, pero walang talab ito kontra kay P-Digong.

Dapat pa bang patulan ang isang “Bikoy”?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page